Isang working mom si Rose Andana na hangad ang magandang buhay para sa kanyang pamilya.
“Gusto ko maranasan ng mga anak ko kung paano manood ng English movies na hindi ko na-try noong bata pa ako,” ani Rose na tubong Ilagan City, Isabela.

Dahil sa pangarap na mabigyan ng magandang childhood experience ang kanyang mga anak kahit subsob sa trabaho, naisipan niyang magpakabit ng SKYdirect para magkaroon ng libangan at may mapulot ding magagandang aral sa mga palabas ang kanyang mga chikiting.

"
"

“Ang mga pinapanood ng anak kong si Ernest ay Knowledge Channel at Boomerang. Gusto rin niya ‘yung palabas na ‘Paw Patrol’ sa Nickelodeon, gusto niyang nag-ssave ng people. Nakaka-amaze. Parang na-dedevelop ‘yung bata,” pahayag ni Rose.

Kahit abala si Rose sa trabaho, naghahanap siya ng panahon para magkaroon ng bonding time kasama ang mister at ang buong pamilya. Ayon kay Rose, tinatangkilik nilang mag-asawa ang panonood ng mga palabas sa Cinema One at NBA Premium.

Sama-sama naman silang pamilya nanonood ng blockbuster movies sa HBO na ayon kay Rose ay parang nag-sine na rin sila, pero hindi gumagastos.

“Kahit pagod araw-araw, marinig ko lang tawa nila, okay na,” sabi ni Rose.
Isa ang pamilya ni Rose sa maraming buhay na mas napasaya hatid ng mga exclusive at HD channels ng SKYdirect. Kaya naman bilang pasasalamat sa mahigit na 1 milyong subscribers nito ngayong 2019, mamimigay ang SKYdirect ng P1 Million in total prizes para may chance manalo ng P100,000 kada linggo ang mga prepaid at postpaid susbcribers na magre-register. Para magkaroon ng raffle entry sa promo, i-text ang REG BOX ID/NAME at i-send sa 23668 (Example: REG 87654321/Ana Cruz).

Para naman sa lahat ng bagong SKYdirect subscribers, handog ng SKY ang 30-day free access sa lahat ng SKYdirect channels tulad ng ABS-CBN HD, Cinema One, PBO, HBO HD, Cartoon Network HD, Disney Channel, NBA Premium TV HD, Discovery Channel, KBS World, Nickelodeon Jr. at marami pang iba. Kusang mag-aactivate ang free 30-day access sa unang araw ng installation ng SKYdirect.

Hanggang July 7 lamang ang dalawang pasabog na promo ng SKYdirect. Ang SKYdirect ang direct-to-home satellite television ng SKY Cable Corporation na naghahatid ng kaligayahan at mahahalagang impormasyon dahil sa maraming TV channels nito sa pamilyang Pilipino saan mang bahagi ng bansa.